ANALISIS SA “MUHON AT PASYOK: ANG DISKURSO SA WIKA AT POLITIKA SA UNANG SEKSIYON NG THE LANGUAGE PROBLEM OF THE FILIPINOS MONOGRAPH (1932) NI DR. MANUEL VIOLA GALLEGO NI PROP. R.B. ABIVA” SURI NI JOANNA B. DE LEON
Manuel Viola Gallego tanyag na ginoo na may malaking ambag sa sariling wika lalo’t sa larangan ng wikang Filipino. Ang sariling wika ang pagkakakilanlan ng ating bansa marahil hindi basta basta naipapabagsak dahil sa pagkakais ng bawat mamamayan. Bilang isang mag-aaral isa akong nagpapatunay na pinagmamalaki ang sariling wika sa ating bansa sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang lenggwahe dito tayo nahuhubog at nagkakaroon ng komunikasyon ang bawat isa. Manuel L. Quezon at Manuel Viola Gallego sa wikang Filipino ay nagsilbing pundasyon para sa pagpalalawak at pag-unlad ng isang pambansang wika.
Ang sariling wika ay hindi lamang naging midyum ng komunikasyon kundi isang simbolo ng pambansang wika ng pagkakilanlan ng bawat pilipino. Sa isang mahusay na guro sa pananaliksik G. Rene Boy E. Abiva ay malaking tulong sa kinilala nating wika dahil naniniwala ako na hindi lamang sa mga propesyonal na tao nakilala ang pagtatag kundi kasangga rin si Dr. Manuel Viola Gallego lalo na sa edukasyon na nagkaroon ng sariling magandang paaralan na pinangalanan ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges Inc. (MVGFCI) na nagkaroon ng patunay sa sariling wika sa bansang pilipinas. Subalit natatak sa aking isipan na Bakit hindi nakilala si Manuel Viola Gallego? Naging mabuting bayani ng ating bansa upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa sariling wika upang mas mapaunlad ang pag-aaral ng wikang filipino na ating pagkakilanlan sa ating bansa.
Hindi niyo ba alam na si Dr. Manuel Viola Gallego ay isang mataas na kalibre ng abogado diplomat, estadista, at tagapagturo? Noong Enero 18, 1893, sina Julio Gallego at Inocencia Viola ay tinanggap ang isang anak na lalaki na nagngangalang Manuel Viola Gallego. Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nakakuha siya ng tatlong degree: isang Bachelor’s in Arts (1915), isang Bachelor’s in Law (1918), at isang Master’s in Law (1923).
May mga mamamayan na hindi kilala si Dr. Manuel Viola Gallego marahil hindi sya nakilala sa pagkakilanlan sa bansa, ngunit malaki ang ambag nito sa ating wikang pambansa dahil pinangunahan niya ang pagpapasa ng isang panukalang batas na magsusulong sa paggamit ng iba’t ibang lenggwahe tulad ng tagalog, Cebuano, Ilocano. Mas binigyan pansin at pagtatakda ng paggamit ng tagalog bilang Pambansang Wika.Si Dr. Manuel Viola Gallego ay kahanga hangang bayani sa pamamagitan ng mamagandang ibinahagi at ginawa sa ating sariling wika.
SANGGUNIAN:
Abiva, Rene Boy E. (2023) Non Omnis Moriar. Order of the Knights of Rizal. Retrieved from
https://poetreneboyabiva.blogspot.com/2023/01/v-behaviorurldefaultvmlo.html



Comments
Post a Comment