"ANALISIS SA ARTIKULONG MUHON AT PASYOK: ANG DISKURSO SA WIKA AT POLITIKA SA UNANG SEKSIYON NG THE LANGUAGE PROBLEM OF THE FILIPINOS MONOGRAPH (1932) NI DR. MANUEL VIOLA GALLEGO NI PROPESOR R.B. ABIVA", PAPEL NI SHENALYN V. PASCUAL

 

 


 
*kuha ang imahen ni R.B. Abiva sa Bulwagan ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges noong Enero 18, 2024.

Sariling wika may nagpakilala, ngunit sino siya? Bakit hindi nakilala? Sa kahusayan niya bilang isang nakapag aral ng abugasya masasabi ko na mas malaki pala ang ambag niya sa ating sariling bansa. Politika ang kasangga upang magkaroon ng sariling pagkaka-kilanlan. Wika naman ang naging batayan upang maging isa tayo sa mga bansa na may pag-aari at hindi lamang maging sunod-sunuran. Isa sa nagpapatunay na naging alipin tayo sa kamay ng mga espanyol ay dahil narin sa lahi natin na tinawag nilang indio at kung paano tayo makipag-usap gamit ang kanilang lenggwahe, ito ay hango sa pelikulang GomBurZa (2023). Masasabi ko na kawawa ang mga Filipino dahil isa tayo sa mga naging alipin at sunod sunuran sa mga nakasakop sa atin noong unang panahon, ginagamit nga ang sariling wika ngunit takot naman makipag-usap gamit ang sinusong lenggwahe na kinagisnan, hanggang sa wika naging sunod-sunuran.

Manuel Viola Gallego at Manuel L. Quezon, parehas na pangalan pero iisa lang ang Manuel na kilala ng karamihan. Parehas mahusay pagdating sa Wikang Filipino ngunit iisang Manuel lang ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Paano naman ang isang Manuel na malaki rin ang naging kontribusyon upang magkaroon ng sinusong wika tulad na lamang ng Tagalog, Ilocano at Cebuano na maaaring gamitin sa edukasyon at burukrasya? Hango ito sa aklat na The Language Problem of the Filipinos (1932). Hindi lang ba nakilala o hindi talaga nagpakilala?

Bakit ba nagtatalo pa pagdating sa Wika? Ano nga ba ang halaga nito? Ayon kay Monde mahalaga ang wika sapagkat ginagamit ito upang makipag ugnayan sa tao, upang makipag palitan ng impormasyon ganon narin ay magkaintindahan sa kanilang sinasalita (2022). Kaya sa pag-aanalisa ng artikulo makikita na hindi pinabayaan ni Manuel V. Gallego ang wikang ating gagamitin lalo na sa edukasyon. Sa patuloy na pagsusuri napagtanto ko, mahalaga pala talalga ang edukasyon pagdating sa kanyang persepsyon. Nagtayo siya ng isang institusyon noong 1963 na pinangalanang Central Luzon Education Center (CLEC), kung saan ang mga mag-aaral ay libre na makapag-aral, at noong 1974 ay binago ni Dr. Gallego ang pangalan ng institusyon na Manuel V. Gallego Foundation Colleges Inc. (MVGFCI) ang institusyon ay nagpapatunay ng kanyang pagkakaroon ng posisyon sa edukasyon sa Pilipinas. Isa rin ang kanyang aklat na The Language Problem of the Filipinos (1932) na nagpapatunay kung paano ang mga Filipino ay nagkaroon ng malaking kaalaman pagdating sa Wikang Filipino ganoon narin ay upang mapagtuunan ng pansin ang mga Filipino na naghihirap at upang maipagtanggol ang ating demokrasya sa lahat ng paraan (Abiva, 2023).

Maraming taon man ang nakalipas, ilang digmaan man ang dumaan makikita na ang Politiko at Wika ang magkasangga upang matugunan ang ating mga pangangailangan at para narin tayo ay maipaglaban sa mga mananakop na dayuhan. Maging ang wikang Ingles ay hindi nagpatalo na mapabilang sa ating lenggwahe na naging isang midyum na ginagamt sa paaralan noong sinakop tayo ng mga Amerikano noong 1898, na hanggang ngayon ay ginagamit natin sa ating mga asignatura, tulad na lamang ng matematika at agham (Petras, 2014). Ngunit ang sabi nga ni Gallego “All patriotic Filipinos who possess the blood that runs in the veins of their leaders and patriots must struggle to establish their own language if they want to maintain their own individuality as a people and as a race” (1932). Hindi mapagkakaila na mahal niya ang sariling wika at mapagyayabong ito sa tamang panahon.

Hindi man nakilala bilang isang bayani ng Pilipinas, napagtanto ko na, hindi pala nakikilala lahat at hindi nabibigyan ng pagkakataon ang iba upang makilala, bagkus gumagawa sila ng maganda sa ating bansa at hinahayaan nila na ang tao  mismo ang makakilala sa kanila. Ngayong nasa kasalukuyan na tayo ng panahon, di man nakilala si Manuel Viola Gallego na isang magiting na bayani, naging daan naman siya upang magkaroon tayo ng Sariling Wika at upang maging mas malago pa ang pag-aaral sa Wikang Filipino na siyang nagsisilbing sining sa lahat ng mahuhusay na manunulat sa bansa.

MGA SANGGUNIAN:

Abiva, Rene Boy E. (2023) Non Omnis Moriar. Order of the Knights of Rizal. Retrieved from https://poetreneboyabiva.blogspot.com/2023/01/v-behaviorurldefaultvmlo.html

Gallego, M. (1932). The Language Problem of the Filipinos (1st ed., Vol. 1, p. 26-27). Bureau of Printing.

Gallego, M. (1932). The Language Problem of the Filipinos (1st ed., Vol. 1, p. 63). Bureau of Printing.

Monde, Jeel (2022) Kahalagahan Ng Wika Sa Lipunan – Bakit Mahalaga Ang Wika. Nakusa sa

https://philnews.ph/2022/01/08/kahalagahan-ng-wika-sa-lipunan-bakit-mahalaga-ang-wika/

Petras, J. D. (2014) Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas at ang Implikasyon nito sa Filipino bilang Wikang Pambansa: Panimulang Pagtalakay sa Sikolohikal na Aspekto sa Pagpaplanong Pangwika /Language Motivations and Attitudes Toward Using English i. Nakuha sa https://www.semanticscholar.org/paper/Motibasyon-at-Atityud-sa-Paggamit-ng-Wikang-Ingles-Petras/adaa5fec63b46d3bbb07aa40678f3aa8780f798e#:~:text=Sa%20mahigit%20isang%20siglo%2C%20litaw%20ang%20malaking%20papel,by%20a%20global%20language%20on%20the%20national%20realities.

 

Hinggil sa may-akda

Si Shenalyn V. Pascual ay kasalukuyang nasa ikatlong taon ng kursong BSED-Filipino. Ang kanyang artikulo ay kahingian para sa sabjek na Gallegan Philosophy.                                                                      

Comments