"ANALISIS SA ARTIKULONG MUHON AT PASYOK: ANG DISKURSO SA WIKA AT POLITIKA SA UNANG SEKSIYON NG THE LANGUAGE PROBLEM OF THE FILIPINOS MONOGRAPH (1932) NI DR. MANUEL VIOLA GALLEGO NI PROPESOR R.B. ABIVA", PAPEL NI CRISANTA S. MAGSILANG
Kuha ang larawan ni R.B. Abiva (2023) sa MVGFC Conference Hall.
Bakit kung sino pa ang maraming naitulong sa ating bansa,siya pa ang taong hindi kilala ng nakakarami?
Sobra akong namulat sa kung ano ang katotohanan,talaga namang nakakahanga ang aking mga nalaman.Tunay nga na malaki ang naging papel ng wika sa ating politika,tila ang dalawang ito ay hindi maipaghihiwalay.Ang wika ay hindi lamang paraan ng komunikasyon o pagkakaintindihan ng bawat isa,ito rin ay malaking papel sa ating lipunan.Sa bawat hakbang ng ating bansa saksi ang bawat isa kung paano umusbong ang ating wika.Mahirap ang pinag daananan ng ating bansa sa kamay ng mga kastila.Kasama na dito ang wika.”Akala mo’y bulag,bingi at pipe ang ating mga mamayang Pilipino,sapagkat wala silang magawa kundi sumunod at mag paalipin sa bansang sumakop sa atin noong unang panahon. Ang bawat Pilipino ay walang nagawa,nang dahil nadin sa kamang mangmanggan at walang sapat na kaalaman.Ilang taon ang ating bansa ay nag tiis , ilang luha ang pumatak sa kanilang mga mata at ilang beses silang naging pipe at bulag upang ipaglaban ang kanilang karapatan.Lahat ng ito ay ipinapakita sa pelikulang “Gomburza” 2023.Ang pelikula ang ating batayan kung gaano kalupit ang pinagdaanan ng ating sariling wika bago pa ito permanenteng maisalita ng mga bayan natin Pilipino.
Sa mga nakaraang taon ay ang wika padin ang ating nagiging isyu katulad na lamang ng pag papaalis noon ng medyor sa Filipino sa ating bansa.Malaking usapan ito sa bansang Pilipinas.Kaya naman napakaraming mag aaral ang nawalan ng gana at tiwala sa sarili dahil sa pangyayaring ito.Malaking naidulot nito lalo sa mag aaral at guro ng medyo sa Filipino.Sapagkat sino nga naman ang may karapatan na alisin ito.Maraming tao ang nag sakripisyo ipag laban ang wikang Filipino.Katulad na lamang ni Dr.Viola Gallego, na talaga naman na isa siya sa nakipag talo upang mailagay ang iba lang dayalekto sa edukasyon.Nakakapungkot man isipin na sinasabi ng iba na hindi na dapat pag tuunan pa ang wilang Filipino kaya iaalis na ang medyor sa filipino at tutuom nalang sa lag aaral sa Ingles.Bagkus hindi alam ng nakakarami na marami pa asa atin ang walang sapat na kaalaman sa Filipino.Alam ba nh bawat isa na may yamang bigkas,sulat at tono ang mga salita?Alam ba ng bawat isa ang mga pinagmulan ng wika?Kaya ngayon tatanungin ko kayo sapat na nga ba ang kaalaman ng Pilipino para hayaan akisin ang medyor sa Filipino sa kolehiyo.,
Malaking tulong ang naihatid sa atin ni Dr.Viola Gallego isa na dito ang libreng pag aaral ng mga mag aaral sa Central Luzon Educational Center (CLEC) taong 1963,na ngayon ay tinatawag ng Manuel Viola Gallego Colleges Inc.(MVGFCI).Napakalaking tulong nito lalo na sa mga magulang na walang sapat na pera upang mapag aral ang kanilang mga anak.Alam niyo din bang may aklat ang founder ng MVGFC na si Dr.Viola Gallego na pinamagatang “The Language Problem of the Filipinos” 1932.Malaki ang naging papel nito sapagkat hinubog nito ang kaalaman ng bawat isa kung ano nga ba ang dapat pag tuunan sa ating wika.
Sa pagtatapos ng aking sulatin sa pag aaral na ito ay lubos akong naantig sapagkat binuksan nito ang aking kaisipan sa katotohanan.Ngayon bilang isang mag aaral ng MVGFC ikinararangal ko na parte ako ng mga kaalaman na ibinahagi ng aking guro na si G.Rene Boy Abiva.Matapos ko makalap ang lahat ang lahat ng impormasyon isa lang ang tumatak sa aking isipan at ito ay hindi lahat ng bayani ay nakilala ng bawat kabataan o kahit nadin ang mga may katandaan,at hindi lahat ng bayani at kailangan ng sandata.Sapagkat ang katalinuhan at malasakit sa bansa ang pinaka makapang yarihang sandata ng isang tao .Mahirap at malungkot man isipin ngunit alam ko na hindi dito nag tatapos ang kwento ng ating Pambansang Founder na si Dr.Viola Gallego.Maraming taon ang lilipas at umaasa ako kasabay ng pagpipas na ito ay makilala na ang mga tao sa likod ng tagumpay ng ating bansa at wika,hindi para sa l pansariling kasikatan ng ating paaralan kundi sa dedikasyon na iniwan ni Dr.Gallego.
MGA SANGGUNIAN
Abiva, Rene Boy E. (2023) Non Omnis Moriar. Order of the Knights of Rizal. Retrieved from https://poetreneboyabiva.blogspot.com/2023/01/v-behaviorurldefaultvmlo.html
Gallego, M. (1932). The Language Problem of the Filipinos (1st ed., Vol. 1, p. 63). Bureau of
Printing.
HINGGIL SA MANANALIKSIK
Si Crisanta S.Magsilang ang nasa ikatlong taon sa kursong
BSED- Medyor sa Filipino.



Comments
Post a Comment