“PAGSUSURI SA ARTIKULONG MUHON AT PASYOK: ANG DISKURSO SA WIKA AT POLITIKA SA UNANG SEKSIYON NG THE LANGUAGE PROBLEM OF THE FILIPINOS MONOGRAPH (1932) NI DR. MANUEL VIOLA GALLEGO NA ISINULAT NI RENE BOY E. ABIVA, MA-MP, D.Litt. (Hon. Causa)” SURI NI JOAN T. MASIGLAT
Kuha sa MVGFC Conference Hall. (R.B.Abiva, 2023)
MANUEL VIOLA GALLEGO, nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas na kumuha ng tatlong degree. Tunay na kahanga-hanga ang angkin talino ni Dr.Gallego sa larangan ng edukasyon. Siya ay nanungkulan bilang kongresista sa unang distrito ng Nueva Ecija, isang estadista, abogado at diplomat.
Si Manuel L. Quezon man ang kilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa hindi matatawaran na kontribusyon sa pagproklama ng wikang pambansa. Si Manuel Viola Gallego naman ay isang inspirasyon na kahit hindi nakilala ang pangalan mo sa lipunan, kitang-kita naman ang mga gawa.
Aking napansin na dalawa lamang ang pinatutungkulan ng pagsusuri na ito: wika at politika. Kaya pala napukaw ang interes ko sa salitang Muhon at Pasyok. Batay sa may akda, Sa lalawigan ng Nueva Ecija, ginagamit ang muhon upang hatiin ang pinitak o parsela ng lupa sa bukid. Pasyok naman ang tawag sa mga pinagputulan ng palay tuwing anihan (Abiva,2023). Ang wika at pulitika ay magkakambal sa pagmamamarka ng tunay na pangangailangan. Ginamit ni Manuel Viola Gallego ang wika at politika upang ihain ang kanyang mga patnugot hinggil sa simbayotikong umiiral sa loob ng lipunan at kasaysayan.
Namayagpag ang kaniyang kagustuhan kaya't lingid sa ating kaalaman na si Manuel Viola Gallego ang nagtaguyod upang maisakatuparan ang Central Luzon School of Nursing (CLSN) sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at ang Central Luzon Educational Center (CLEC), na kasalukuyan ay kinilala na bilang MVGFC na kanyang itinatag sa edad na pitumpu. Isang patunay na may malasakit at pagmamahal pagdating sa edukasyon.
Tunay na pinaka-mabisa ang pakikipaglaban gamit ang pinag-aralan. Si Manuel Viola Gallego ay isa lamang patunay na hindi lahat ng bayani ay may monumento. Ang paggunita sa kanyang kontribusyon ay mahalagang pangyayaring nakatatak na sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang pangalang Manuel Viola Gallego ang nasa likod kung bakit hinirang ni Manuel L. Quezon ang TAGALOG bilang wikang pambansa noong Disyembre 30, 1937.
Aking napagtanto habang sinusuri ko ang akda na ito na marami palang sikreto ang kasaysayan, sa paglipas ng panahon unti-unting nakikilala ang mga tao sa likod ng matagumpay na diskusyon sa paghirang ng wika sa Pilipinas. At isa si Manuel Viola Gallego ay isa sa may malaki ang ambag pagdating sa pagsulong ng wika.
Mahalaga ba ang wika?
Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad na lamang ng wikang Filipino, ito ay sumisimbolo sa kung sino, ano at meron sila (Kitkat,2016) Ito ang representasyon ng pinagmulan ng isang indibidwal o grupo. Ayon kay Gallego, "Language is the medium of comprehension between individuals and groups. It is the vehicle of thoughts and ideas, of all the spiritual and material manifestations of a race. It is the only means by which one people may hope to penetrate the inner life of another people” (1932). Sinasaad lamang na ang wika ay midyum ng instruksyon na kung saan ang pag-uunawaan sa pagitan ng indibidwal at grupo ang nagiging daan ng pagdaloy ng ideya at kaisipan. Ang pagnanais ni Dr.Gallego na itindig ang pambansang wika ay kamangha-mangha dahil pinangunahan niya ang pagpapasa ng isang panukalang batas na magsulong sa paggamit ng dayalektong Tagalog, Ilokano at Cebuano bilang panhunahing wika sa edukasyon at burukrasya.
Kung ating sisiyasatin noon pa man ay usapin na pala ang Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE) sapagkat isandaang taon na ang nakaraan na pinagpunyahihan ni Dr. Gallego ang paggamit nito.
Ano ba ang Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE)?
Ito ay nag paggamit ng sinusong wika na nakagisnan ng isang tao. Gamit ito bilang panturo sa paaralan dahil mayroon ang Pilipinas ng iba't-ibang dayalekto sapagkat ito nag malakas na pundasyon upang maunawaan ng mga mag-aaral ang itinuturo sa paaralan. Batay sa pagsusuri ng papel na ito, sinasabi na "this study advocates for the use of Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) as a form of protest against the English legacy of colonialism and neo-colonialism, a more effective method of teaching and learning, and genuine democratization of language and politics." Isinasaad dito na ang MTB-MLE ay isang pagtuturo at pagkatuto sa wika at politika. Hindi ang wikang ingles ang dapat namayagpag sa larangan ng edukasyon kundi ang paggamit ng sariling wika. Sinabi ni Gallego, "No instruction in native dialects is desirable. . . English is desired by the natives, and undoubtedly it should be the language basis of public-school work, but it should be introduced gradually (1932)." Diba't madali ngang napansin ng mga katutubo ang pag-usbong ng wikang Ingles ng mga Amerikano? Kaya sinabi ni Dr.Gallego na kung ipakikilala ang wikang Ingles bilang batayan ng pagtuturo sa pampublikong paaralan marapat lamang na paunti-unti ang pagpapakilala rito.
Sa huli, hindi man namayagpag ang pagpapakilala sa kanya bilang isang bayani sa Pilipinas, hindi naman matatawaran ang ambag at galing na kanyang ipinakita sa larangan ng politika at edukasyon. Tunay na matagumpay ang kanyang adhikain na isakatuparan ang paggamit ng wikang Filipino. Ito ang midyum ng instruksyon sa pagtuturo ng Filipino. Sa kasalukuyan, unti-unting nakikilala ng tao si Manuel Viola Gallego sapagkat hindi matatawaran ang kontribusyon niya. Ang taong tulad ni Dr.Gallego ang dapat bigyan ng pagkilala sa kanyang mga nagawa. Sa umiiral na panahon, siguro hindi na niya nanaisin na ipakilala ang kanyang sarili dahil ang tao na nagpapakilala sa kanya.
MGA SANGGUNIAN:
Abiva, Rene Boy E. (2023) Non Omnis Moriar. Order of the Knights of Rizal. Retrieved from https://poetreneboyabiva.blogspot.com/2023/01/v-behaviorurldefaultvmlo.html
Mariano, L. M., & Gime, A. V. (2020). Ang pagtataya sa implementasyon ng polisiya sa MTB-MLE ng mga pribadong paaralan sa rehiyon sa Pilipinas. International Journal of Research Studies in Education.
Gallego, M. (1932). The Language Problem of the Filipinos (1st ed., Vol. 1, p. 63). Bureau of Printing.
Cornejo's Commonwealth Directory of the Philippines (1939), mula kay Miguel Cornejo (p.1736-1737)
Rubin, et al, (2008) Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.



Comments
Post a Comment