Analisis sa “Muhon at Pasyok: Ang Diskurso sa Wika at Politika sa Unang Seksiyon ng The Language Problem of the Filipinos Monograph (1932) ni Dr. Manuel Viola Gallego” ni Propessor R.B. Abiva by Sarah Jane M. Rolloda (BSED-Filipino, 3rd Year) Manuel V. Gallego Foundation Colleges

 

                                                                                   Kuha ang larawan sa MVGFC Conference Hall. (R.B. Abiva, 2023)


Isa siyang kayamanan ng Pilipinas.
Ngunit bakit hindi siya kilala ng nakararami? Ang kaniyang mga isinulat ay gigising sa diwa ng mga Pilipino. Isa siya sa napakahusay at walang katulad walang iba kundi ang nag-iisang Dr. Manuel V. Gallego. Kahanga-hanga ang kaniyang talino at husay na ipinakita at ipinamalas. Nagtapos sa isang tanyag na paaralan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isa siya sa dahilan kung bakit nagkaroon tayo ng Wikang Pambansa na tagalog noong Disyembre 30, 1937. Lingid sa kaalaman ng nakararami kung bakit hinirang ni Manuel L. Quezon at ito ay mababasa sa Inilimbag mismo ng Bureau of Printing ng Malakanyang noong 1932 ang monograph ni Dr. Gallego na pinamagatang The Language Problem of the Filipinos.

Ang wika ay dinamiko. Dahil ang wika ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon at marami ng bansa ang sumakop at nag impluwensya sa mga Pilipino. At ito ay maihahalintulad ko sa isang matayog at mausbong na puno sapagkat katulad nito, ang wika ay nagsisimula sa isang mumunting binhi na unti unting nadiligan, inaalagaan at iniingatan ng ating mga ninuno at sa paglipas ng panahon ay mas lalo itong nagiging matatag. Dahil mahigit isandaang taon ang nakakalipas ay winika ni Doctor Saleeby, sa sanaysay niyang “The Language of Education in the Philippine Islands” na “there is no sweeter language than one’s own. To the Anglo-Saxon there is none better than the English; to the Italian there is no better than the Language of Dante; to the French there is none better than the French language; and to the Chinese there is no sweeter than that of the great Confucius. Consequently, to the Filipinos there is no sweeter tongue than his own dialect” (Gallego, 1932).

Katulad ng isang hagdan ito ay binubuo ng mga baitang, ganoon din ang wika ay may mga hakbang na pinagdaraanan. Tulad nalang din Dr. Manuel V. Gallego. Marami na siyang pinagdaan at malaki na rin ang kaniyang nailimbag sa Pilipinas. At ang edukasyon ay napakahalaga sa kaniya kaya niya itinayo ang dating paaralan na Central Luzon School of Nursing (CLSN) sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at ang Central Luzon Educational Center (CLEC), na ngayon ay kilala bilang MVGFC. .         Nararapat lamang na siya ay makilala ng nakararami. Dahil tulad ni Dr. Jose Rizal siya ay dapat din bingyan ng karangalan at pagkilala sa kaniyang mga ginawang akda. Ayon nga kay (Abiva 2023), para sa pagkakaakda ng aklat na The Language Problem of the Filipinos (1932)  na nagbigay ng malaking hakbang sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino; at para sa pangako sa pagpapataas ng kalagayan ng mga naghihirap na Filipino at pagtatanggol sa demokrasya sa lahat ng kapamaraanan ay lubos na pinupuri magpakailanman (Abiva, 2023).

Hindi lang pala basta-basta tao/mamamayan si Manuel V. Gallego. Sapagkat siya ay isang kahanga-hangang tao at napalaki ang kaniyang kontribusyon sa ating bansang Pilipinas. Hindi man siya kilala ng nakararami, ngunit ang kaniyang mga iniwan na ala-ala at mga ginawa sa bansa na sino man ay walang makakapantay. Siya ay dapat bigyan ng pugay, pagkilala at pag saludo bilang pasasalamat sa kaniyang naging ambag sa ating pinakamamahal na bansang Pilipinas.

 

Reference:

Gallego, M. (1932). The Language Problem of the Filipinos (1st ed., Vol. 1, p. 63). Bureau of Printing. 

Abiva, Rene Boy E. (2023) Non Omnis Moriar. Order of the Knights of Rizal. Retrieved from https://poetreneboyabiva.blogspot.com/2023/01/v-behaviorurldefaultvmlo.html

 

Comments